Monday, September 29, 2008

Ang aking tula para sa filipino

Hello! Eto yung tula ko para sa Filipino. Sana matuwa kayo rito.


Tulang may malayang taludturan

Ang Mundo ng Dahon


Ang dahon

natanggal sa sangang wumawasiwas sa hagnin

ang dahon naalis sa malayang mundo ng mga panaginip

unti-unting tinatangay ng papalayo.


Ang hangin

tinatangay ang dahon

mula sa kanyang masasarap na panaginip

ng walang kamalayan,

di na maibabalik.


Ang bangin

patuloy na nilalamon ang ang dahong walang magawa

kinakain,

patungo sa mapanganib niyang sarili.


Ang bato,

na pinagulung-gulungan

ng marami nang dahon bago sa kanya,

muling natutuwa sa pagdating

ng kaibigang ligaw at malungkot.


At ang ilog

tinangay papalayo ang kaawa-awang dahon

pinatuloy ito sa kanyang payapang kaibuturan,

hanggang makalimutan na

ang lahat ng

dahon.

No comments: